Pinangunahan ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong para sa higit 600 biktima sa kamakailang nangyaring sunog sa Barangay Elias Aldana.
Layunin ng isinagawang pamamahagi ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang trahedya.
Ilan sa mga tinaggap na tulong ng mga residente ay mga food packs, dignity kits, sleeping kits at hygiene kits, na layong tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng sunog matapos ang insidente.
Ang nasabing pamamahagi ng tulong ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagsusumikap ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas na magbigay ng suporta at tulong sa kanilang mga residente na naapektuhan ng nangyaring sunog.| ulat ni EJ Lazaro