Ipinagdiwang ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang kanyang kaarawan ngayong araw sa pamamagitan ng pagbisita sa Special Forces Regiment sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Si Gen. Brawner ay dating nagsilbing commander ng 6th Special Forces Company at 2nd Special Forces Battalion.
Sa kanyang pahayag sa mga tropa, binati ni Gen. Brawner ang Special Forces Regiment sa lahat ng kanilang nakamit na progresso mula nang itatag ito bilang Special Forces Company noong 1962.
Muli namang ipinanawagan ng Heneral sa mga tropa na manatiling nagkakaisa at propesyonal sa lahat ng pagkakataon.
Ayon sa Heneral, sa pamamagitan ng malakas at nagkakaisang AFP, ay magiging matatag ang bansa. | ulat ni Leo Sarne
đŸ“·: SSg Ambay/PAOAFP