Nagpulong ang mga senior enlisted leader ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japan Self Defense Force (JSDF) sa layong palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang pwersa.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni AFP Deputy Chief of Staff Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan sa AFP General Headquarters kahapon.
Ang delegasyon ng Japan ay pinamunuan ni Senior Enlisted Advisor to the Chief of Staff, Joint Staff-Japan Ministry of Defense Warrant Officer Kai Osamu.
Ang pagpapalawak ng kooperasyon sa lahat ng “level of command” sa pagitan ng AFP at JSDF ay alinsunod sa 2015 Memorandum of Understanding on Defense Cooperation.
Ito’y sa pamamgitan ng mas maraming military exchanges, ship visits, information sharing, at education and training exchanges. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP