Ginawaran ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 4th Metrobank Foundation Award for Partner in Empowerment, Advocacy, and Commitment to Excellence (PEACE).
Ito’y sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng Metrobank Foundation Inc., (MBFI) kahapon sa Taguig City.
Ang parangal ay tinanggap ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na isa ring 2013 awardee ng Ten Outstanding Philippine Soldiers, na ngayo’y Outstanding Philippine Soldiers, (TOPS).
Sa naturang okasyon, tumanggap din ng “Award for Continued Excellence and Service” ang 2016 TOPS awardee na si Marine Colonel Wilfredo Manalang, para sa kanyang “Continued performance of duties with excellence and positive contribution to their respective institutions.”
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang mga parangal ay testamento ng “commitment” ng AFP sa mahusay na serbisyo at dedikasyon sa “nation-building” katuwang ang mga partner at stakeholder. | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg Ambay/PAOAFP