Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na madaliin na ang pagpapatupad ng housing program para makatulong na ma-decongest ang urban areas sa bansa.
Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng paggunita ng fire prevention month ngayong Marso.
Ipinunto ni Gatchalian, na ang mga dikit-dikit na kabahayan ang siyang kadalasang dahilan ng mabilis na pagkalat ng sunog.
Aniya, ang hindi angkop na structural design at ang mga tinaguriang unsafe practices pagdating sa paggamit ng kuryente ang nagiging dahilan ng mataas na posibilidad ng sunog sa mga lugar na masisikip. at dikit-dikit ang mga bahay.
Habang ang masisikip na daan din aniya ang nagpapahirap sa mga bumbero na pasukin ang mga lugar para apulahin ang sunog.
Kaya naman para mapababa ang panganib ng sunog, iginiit ni Gatchalian na mahalagang maisakatuparan ng pamahalaan ang epektibong programa ng pabahay para sa mga residente ng ganitong lugar. | ulat ni Nimfa Asuncion