Dumagsa sa Clark Airbase sa Pampanga ang mga bisita mula sa mga kalapit na lalawigan at siyudad para saksihan ang air show ng Republic of Korea Air Force (ROKAF) Black Eagles matapos itong buksan sa publiko kahapon.
Ang aktibidad ay bahagi ng 3 araw na pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Korea.
Kabilang sa mga bisita sa public-viewing ang mga dating Commanding Generals ng Philippine Air Force (PAF), Philippine Military Academy Aerocadets, Military Pilot Trainees, military dependents, at Filipino at South Korean communities.
Dito’y nasaksihan ng mga bisita ang natatanging aerial acrobatics ng South Korean Black Eagles team, gamit ang kanilang T-50B aircaft.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bisita na makita ang iba’t ibang display ng mga Koreanong kumpanyang pandepensa na lumahok sa exhibit.
Ngayon ang huling araw ng aktibidad na nagtatanghal sa malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas at ROK. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF