Sumailalim sa 3-day training ang mga airport personnel ng Bureau of Immigration (BI) na nakatutok sa intelligence gathering procedures.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang naturang training ay naglalayon na palakasin ang essential skills at kaalaman sa border security ng mga tauhan nito na naka-border control and intelligence unit sa key airports sa buong bansa.
Kabilang sa mga ahenteng nagsanay ay ang mga ahente ng border control and intelligence unit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa Clark International Airport (CIA), sa Davao International Airport (DIA), at sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
Kabilang sa training ay ang batas na may kaugnayan sa immigration at border control, ang papel ng inter pol, epektibong document at records management at iba pa. | ulat ni Lorenz Tanjoco