Mula sa alert level 2 ay ibinaba na sa alert level 1 o low level of unrest ang bulkang Mayon sa Legaspi, Albay.
Ayon sa Phivolcs, mula sa pagpasok ng taong 2024, nagpakita na ng pagbaba ng volcanic activities ng isa sa pinakaaktibong bulkan sa bansa.
Bukod anila sa daily average na dalawa hanggang tatlong pagyanig kada araw ay bumaba na rin sa 420 tonelada kada araw, ngayong araw ng Marso 5 ang volcanic gas emission nito mula sa 2,394 tonelada kada araw nitong Enero 21 ,2024.
Sabi pa ng Phivolcs, dahil sa mga pamantayang ito ay unti-unti na ringnawawala ang posibilidad na maari pang humantong sa pagsabog ang bulkang Mayon.| ulat ni Rey Ferrer