Kinukonsidera ng National Water Resources Board (NWRB) na maibaba ang alokasyon ng tubig ng Angat Dam para sa mga consumer sa Metro Manila.
Ito ay kung magpapatuloy ang kakulangan ng ulan sa Angat watershed.
Ayon sa NWRB, nakatutok na sila sa lagay ng dam na ngayon ay malapit nang sumagad sa 200 meters at malayo sa 212 meters na normal high water elevation nito.
Sa ngayon ay nananatili sa 50 cubic meters ang alokasyon ng tubig ng Angat Dam sa Metro Manila hanggang April 15.
Posible naman aniyang maibaba ito sa 48cms pagsapit ng April 16.
Una naman nang tiniyak ng MWSS na may nakalatag nang mga hakbang ang water concessionares para masigurong hindi kakapusin ang suplay ng tubig sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa