Isasagawa na bukas, Marso 4, ng pamahalaang lungsod ng Antipolo ang Job Fair sa lungsod.
Sa abiso ng local government unit (LGU), gagawin ang Job Fair sa ikatlong palapag ng SM Cherry, sa Barangay Mayamot mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Nanawagan ang LGU sa mga fresh graduates at job hunters na samantalahin ang pagkakataong ito para makapagtrabaho.
Maraming kumpanya, local man o international employement ang mag-aalok ng trabaho.
Naglabas ng listahan ang LGU ng mga kumpanyang maaaring aplayan at pasukan ng trabaho ng mga job applicants
Ilan sa mga trabahong inaalok ng mga kumpanya ang Assistant Store Manager, Store Leader,
Treasury Assistant, Sales Clerk,Cashier, Stockman, Utility, Mechanic Helper, Driver, Welder, Sales Specialist, Sales Demo, Radiologic Technologist, Store Supervisor at marami pang iba. | ulat ni Rey Ferrer