Hindi pinakinggan ng Court of Appeals ang inihain na apela ng kinatawan ng dating direktor ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na kumukwestyon sa desisyon ng Ombudsman kaugnay sa mga iregularidad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Sa resolusyon ng 9th Division ng Court of Appeals, ibinasura nito ang petition for review na inihain ni Christine Suntay para baligtarin ang desisyon ng Ombudsman.
Sinabi ng Ombudsman, guilty sa gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service si Suntay.
Ayon sa Appellate Court, mali ang argument ni Suntay nang sabihin nito na Ombudsman ang dapat maging respondent sa kanyang petisyon gayong ang mga senador na miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee ang nagrekomenda na siya ay kasuhan.
Dahil hindi daw isinama ng direktor ng PS-DBM ang mga senador bilang respondent sa kaso, mistulang nalabag daw ang karapatan nila na mabigyan ng pagkakataon na maidepensa ang kanilang panig. | ulat ni Mike Rogas