Anumang oras ngayon ay maaari nang maglabas ng arrest order ang Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang pahayag ni Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros matapos mabasa ang tugon ng kampo ni Quiboloy sa show cause order na nilabas ng Senado o ang paliwanag nito kung bakit hindi dapat arestuhin ng mataas na kapulunganang religious leader.
Para kasi kay Hontiveros, hindi katanggap-tanggap ang naging paliwanag ng kampo ni Quiboloy.
Ipapadala muna nila muna aniya nila sa abogado ni Quiboloy ang naging ruling ng kanyang komite na tuloy ang pagcontempt sa religious leader dahil sa hindi katanggap-tanggap na paliwanag nito sa patuloy na pagtangging humarap sa Senate hearing.
Oras na matanggap na ang ruling ng komite, hihilingin ni Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri na mag-isyu na ng arrest order laban kay Quiboloy.
Sinabi naman ni Senate President Zubiri na pag-aaralan pa niya tugon nina Quiboloy at Hontiveros bago aksyunan ang hiling na arrest order. | ulat ni Nimfa Asuncion