Plano nang maglagay ng back-up o satellite office ang Anti -Red Tape Authority (ARTA) sa National Government Administrative Center sa New Clark City Capas, Tarlac.
Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng ARTA at New Clark Government Center Corporation (NCGC) para pagtibayin ang kanilang partnership para sa proyekto.
Nilalayon nito na matiyak ang tuloy-tuloy na mga serbisyo ng pamahalaan sa panahon ng mga emergency at national calamities.
Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, ang NGAC ay magsisilbing isang, integrated government center ng pamahalaan na nasa labas ng National Capital Region para sa iba’t ibang government offices, kabilang ang kanilang mga kaakibat na ahensya.
Ang ARTA aniya, ang kauna-unahang ahensya ng National government na pormal na nagpahayag ng interes sa pagtatayo ng opisina sa NGAC.| ulat ni Rey Ferrer