Inaasahan ng Department ng Agriculture (DA) na magkakaroon na ang Pilipinas ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) sa katapusan ng 2024.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, DA Asec Arnel de Mesa, na mayroon nang dalawang manufacturers ng ASF vaccine mula Estados Unidos at Vietnam ang nakatakdang mag-sumite ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.
Dahil dito, posible aniya na sa katapusan ng taon o unang bahagi ng 2025 ay mayroon nang epektibong bakuna ang bansa laban sa ASF.
Mahalaga ito, ayon sa opisyal, lalo’t sa kasalukuyan, patuloy pa rin na nakakaapekto ang ASF sa swine industry ng Pilipinas.
“So inaasahan natin na magkakaroon na rin ng pagluwag sa presyo ng baboy lalo na ngayon na kung makikita natin iyong datos ng PSA ay naging maganda rin ang production ng ating baboy at nagsisimula nang makabangon, bagama’t nandito pa rin iyong threat ng African Swine Fever.” —Asec de Mesa.| ulat ni Racquel Bayan