Nagpahayag ng kahandaan ang Australian Defense Force (ADF) na tumulong sa pagbabagong-anyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa pagtutok sa panloob na seguridad, tungo sa panlabas na depensa.
Ito ang ipinaabot ni ADF Special Operations Command (SOCOMD) Commander MGen. Paul Kenny kay AFP Vice Chief of Staff Lt.Gen Arthur Cordura, sa kanyang pagbisita sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ayon kay MGen. Kenny, bukas ang SOCOMD na ibahagi sa AFP ang kanilang karanasan, espesyal na kakayahan, at pagsasanay para makatulong sa layuning ito.
Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Cordura sa SOCOMD sa kanilang suporta sa AFP sa larangan ng counter-terrorism, at sa ADF sa tulong para mapalakas ang maritime domain awareness ng AFP. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg Ambay/PAOAFP