Pinatitiyak ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., sa bagong OIC ng National Food Authority na si Dir. Larry Del Rosario Lacson na magpapatuloy ang ahensya sa pagtupad nito ng mandato na makatulong sa mga magsasaka.
Kasama na rito ang pagbili ng palay lalo na ngayong panahon na ng anihan.
Ayon kay DA Spox Asec. Arnel de Mesa, bilin ng kalihim kay OIC Lacson na matiyak na hindi maantala ang operasyon ngayon ng NFA at matutukan ang mga rice producing areas.
Bukas na rin aniya ang lahat ng mga warehouse ng NFA at wala nang apektado ang operasyon.
Ayon kay Asec. De Mesa, nananatiling ‘competitive’ ang presyuhan ng NFA ng palay na nasa P23 kada kilo. | ulat ni Merry Ann Bastasa