Ipinagmalaki ng Government Service Insurance System (GSIS) na ramdam na sa kanilang ahensya ang gobyerno ng Bagong Pilipinas.
Ayon kay GSIS Vice President Margie Jorillo, unang nakarating ang Bagong Pilipinas governance sa GSIS kung saan mararanasan ng mga miyembro ang ‘ultimate customer service experience’.
Makikita ito aniya sa mga proyekto ng GSIS kung saan digital, moderno, makabago at madaling gamitin at intindihin ang kanilang serbisyo at proyekto
Isa aniyang halimbawa sa mga ito ay ang GSIS touch, ang mobile app ng ahensya kung saan nasa 90% ng mga serbisyo ng GSIS ay magagawa na dito.
Dagdag pa ni Jorillo na liban sa serbisyo at proyekto ay makikita rin na bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay ang Bagong Pilipinas advocacy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan makikita ito sa lahat ng branding ng ahensya mula sa labas ng opisina hanggang sa kanilang mga damit at business card.
Giit pa ng opisyal na higit sa ano pa man, nakasunod sa Bagong Pilipinas ang kanilang slogan na ginhawa for all, kung saan alituntunin nila sa ahensya na matiyak na may ginhawa para sa lahat ng mga miyembro nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco