Pormal na nanungkulan bilang bagong commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) si Commodore Oscar Canlas Jr.
Pinalitan ni Commodore Canlas si dating VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo sa Joint Retirement and Change of Command Ceremony kahapon na pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Si Commodore Canlas na miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991, ang dating Deputy Commander ni Lieutenant Gen. Arevalo at Inspector General ng VISCOM.
Siya’y nanungkulan sa iba’t ibang matataas na posisyon sa Philippine Navy, kabilang ang Director of Naval Command and Staff School; Director of Littoral Combat Training School ng Littoral Combat Force; Commanding Officer ng BRP Bienvenido Salting (PG112), BRP General Mariano Alvarez (PS38), at BRP Pangasinan (PS31); at Inspector General ng Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC).
Hinikayat naman ni Gen. Brawner ang mga tropa ng VISCOM na patuloy na ibigay ang kanilang buong suporta sa kanilang bagong Commander. | ulat ni Leo Sarne