Naglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa mga scams.
Ayon sa BSP, may mga scammers na nagpapanggap na mga Central Bank employees o entities na nagsasagawa ng mga hindi awtorisadong aktibidad gamit ang pangalan ng institusyon upang makapag-extort ng pera sa mga biktima.
Karaniwang gawain ng mga ito ang nag-aalok ng assistance sa mga suppliers upang mapabilis ang kanilang transaction sa bangko o pagbabayad.
Nagpapanggap din umano ang mga ito ng magpa-facilitate ng bidding procedure, mangongolekta ng kabayaran sa serbisyong iaalok.
Payo ng BSP sa publiko na laging maging mapagbantay laban sa mga mapanlinlang na gawain at makipagtransaksyon lamang sa mga empleyado ng Central Bank. | ulat ni Melany Valdoz Reyes