Kasabay ng Fire Prevention Month, nakipagtulungan ang Valenzuela City government, sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Valenzuela para muling masanay ang mga fire volunteer o mas kilala bilang “Bantay Sunog,” sa lungsod.
Isinagawa ang Bantay Sunog Training and Seminar sa Disiplina Village Lingunan kung saan nasa 230 Bantay Sunog volunteers ng Disiplina Village (DV) Lingunan ang sumailalim sa isang araw ng fire safety training.
Layon nitong mapalawak pa ang kaalaman at kapasidad ng mga fire volunteer tuwing may nirerespondehang insidente ng sunog.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ang LGU ng 150 fire extinguishers sa DV Lingunan fire-fighting volunteers.
Kinilala rin ni Mayor Wes Gatchalian ang pitong natatanging Bantay Sunog volunteers sa lungsod at prinomote bilang team leaders. | ulat ni Merry Ann Bastasa