Ideneklara nang ligtas sa toxic red tide ang baybaying dagat ng Llanga Bay sa Surigao del Sur.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Demosthenes Escoto, maaari nang maghango, magbenta at kainin ang anumang uri ng shellfish na makukuha sa nasabing karagatan.
Nanatili namang positibo pa sa Paralytic Shellfish Poison o toxic red tide ang pito pang baybaying dagat sa iba’t ibang dako ng bansa.
Kabilang dito ang Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at baybaying dagat ng San Benito sa Surigao del Norte.
Lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha sa karagatan ay hindi ligtas sa human consumption maliban sa mga isda, pusit, hipon at alimango bastat hugasan lamang ng mabuti bago lutuin.
Samantala,ligtas rin sa toxic red tide ang baybaying dagat ng Parañaque, Bataan, Navotas at Manila Bay.| ulat ni Rey Ferrer