Pinag-iingat ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa mga scammer na target ang mga biyahero ngayong panahon ng Semana Santa.
Ayon sa BI, ilan sa mga nasabing scammers ay nag-o-operate ng mga pekeng website at nanghihingi ng bayad para sa registration sa eTravel.
Ilan sa mga pekeng e-travel website ay naniningil mula sa halagang P3,000 hanggang P5,000 sa kabila ng pagiging libre ng nasabing serbisyo.
Hinikayat naman ni Commissioner Norman Tansingco ang paggamit ng mga official website ng gobyerno para magparehistro at makaiwas sa scam.
I-report din, ayon kay Tansingco, kung makakasalubong ng mga pekeng website at nanghihingi ng bayad sa pamamagitan ng oagtawag sa hotline ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa numero bilang 1326.
Para makapagparehistro sa e-travel maaaring bisitahin lamang ang website na etravel.gov.ph | ulat ni EJ Lazaro