Ipinagmalaki ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang malaking ambag ng mga biyahe ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. sa paglago ng investments sa bansa.
Ito’y sa gitna ng sunod-sunod na batikos sa pagbiyahe ng Pangulo sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, mula nang manungkulan si Marcos Jr. noong 2022, ay tumaas ng 25% ang investments sa bansa noong 2023 na katumbas ng Php 175 billion kumpara sa Php140 billion noong 2022.
Aniya, 40% nito ay may kinalaman sa panghihikayat ng Pangulo sa iba’t ibang bansa na mqglagak ng investments sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer