Sa kabila ng pagiging Persons Deprived of Liberty (PDL), bibigyang pagkilala pa rin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga preso sa Correctional Instiitution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ito’y ayon sa BuCor, bilang bahagi na rin ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw.
Pangungunahan ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang ang Women’s Day Celebration sa CIW compound.
Panauhing pandangal dito sina Senador Robinhood Padilla at Presidential Adviser on Muslim Affairs Undersecretary Al Tillah sa nasabing okasyon.
Ayon sa BuCor, layunin ng ikinasang aktibidad ngayong araw sa Correctional ay para kilalanin ang mahalagang papel ng mga babae sa lipunan gayundin ay ipagdiwang ang kanilang mga tagumpay bilang babae. | ulat ni Jaymark Dagala