Pinangunahan ng Provincial Government of Albay sa pangangasiwa ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) at Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) ang pagdaraos ng Buntis Day Summit sa Albay Astrodome, Legazpi City, Albay.
Mahigit 200 buntis ang nakiisa sa nasabing aktibidad. Layunin nitong maturuan ang mga ina kaugnay sa pagbubuntis. Gayundin ang kahalagahan ng pre-natal care upang maiwasan ang mga komplikasyon sa pagbubuntis.
Naging bahagi rin ng selebrasyon ang pagkakaroon ng libreng pre-natal check up, pamamahagi ng libreng pre-natal vitamins, supplements at hygiene kits.
Tinalakay rin ang ilang mahahalagang diskusyon na isasagawa ng mga partner agencies para matulungan ang mga kalahok sa pangangalaga sa sarili bago, habang, at matapos ang panganganak.
Ayon sa pinakahuling tala ng PHO, mayroong 22 mortalities noong nakaraang taon, habang 16 naman noong taong 2022 at 7 sa taong 2021.
Ang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 569 s. 2004 na nagdedeklara sa ika-10 araw ng Marso ng bawat taon bilang “Araw ng mga Buntis.” | ulat ni Gary Carl Carillo | RP Albay
📷: Albay PIO