Pinag-aaralan na ngayon ni Senador Raffy Tulfo ang inisyal na impormasyon na isang tao ang nanalo sa lotto draw ng maraming beses sa isang buwan.
Una nang isiniwalat ni Tulfo ang naturang impormasyon sa isang radio interview.
Ayon sa Senado, sa ngayon ay patuloy pa rin nilang pinag aaralan ang mga dokumento kaugnay ng isyu.
Nangako si Tulfo na isisiwalat niya ang lahat ng impormasyon na hindi protektado ng data privacy laws sa susunod na magiging pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement sa Lunes, March 18, 2024.
Iginiit ring muli ng mambabatas ang tumataas na trust issues sa PCSO lalo na dahil sa pagkakaroon ng glitch sa mga lotto draw.
Natuklasan pa aniya nila ang ilang mga kwestiyunableng impormasyon tungkol sa mga lotto games at lotto winners base sa mga dokumentong isinumite sa kanila ng PCSO, alinsunod sa inilabas na subpoenang ibinaba ng Senate panel. | ulat ni Nimfa Asuncion