Iba’t ibang aktibidad ang inihanda ng Civil Aviation Authority of the Philippines bilang bahagi ng month-long celebration ng 16th anniversary nito.
Ayon sa CAAP, bahagi ng kanilang social responsibility, ang pag-donate ng mga pagkain sa Pangarap Foundation Inc., na nakapagbigay laman sa sikmura ng nasa 40 indibiwal sa naturang foundation.
Bunsod ng pagkakasabay ng anibersaryo ng CAAP sa Fire Prevention Month, nagsagawa ang Aerodrome Rescue and Fire Fighting (ARFF) team sa Sangley Airport ng Comprehensive Fire Prevention Orientation para sa lahat ng airport personnel .
Kabilang dito ang PNP-AVSEU Police personnel, OTS Screeners, Private Security Guards, at iba pang concessioner employees.
Nagbigay din ng kanilang basic pero napakahalagang kaalaman sa gun safety, rules and regulations ang PNP-AVSEU.
Sa Virac naman ay nakiisa ang CAAP Management personnel ng bloodletting activity habang sa Bicol International Airport, nagsasgawa ang mga ito ng holy mass na sinundan ng blessing ng kanilang Kid’s Play Area and Communal Toilet.
Meron ding Gender and Equality Development discussion hinggil sa Safe Spaces Act para sa mga empleyado nito bilang bahagi naman ng Women’s Month Celebration.
Ayon kay CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo suportado niya ang iba’t ibang mga aktibidad ng CAAP managers at personnel na nagbigay halaga sa kanilaang 16th anniversary.
Ipinakita aniya ng mga ito ang unity, inclusivity at service sa komunidad liban pa sa kanilang pangunahing layunin na safe, affordable, and comfortable travel for Filipinos.
Ang CAAP ay binuo 16 na taon na ang nakakaraan para mabigyan ng ligtas at epektibong air transport at regulatory services ang Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco