Isasara bukas sa mga motorista ang Canumay Overpass sa Valenzuela City para bigyang daan ang safety repair works.
Sa abiso ng North Luzon Expressway Corporation (NLEX), mula Marso 11 ng alas 10 ng umaga, isasara na ang middle lane 2 sa ilalim ng Canumay overpass. Tatagal ang repair works hanggang Marso 15 ng tanghali.
Sa Marso 14, sunod namang isasara ng alas 10 ng gabi, ang middle lane 3 .
Ayon sa NLEX, mananatiling sarado ang underpass hanggang matapos ang safety repair works sa nasabing lugar.
Samantala, ipapatupad ang counterflow sa southbound direction kung kinakailangan.
Pagtiyak pa ng NLEX na maglalatag sila ng mga direction and safety signs sa mga strategic locations upang maging gabay ng mga motorista.| ulat ni Rey Ferrer