Nag-remit ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng tinatayang nasa P4.59 bilyon ng cash dividends sa Bureau of Treasury.
Ayon kay Deputy National Treasurer Eduardo Anthony Mariño III, ang mataas na remittance ng PAGCOR ay malaking tulong sa socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos Jr.
Aniya, ang bawat piso na ini-remit ng state-run gaming corporation ay malaking ambag na maaaring gastusin ng gobyerno upang magtuloy-tuloy ang economic growth and development ng bansa.
Ang latest remittance ng PAGCOR ay kumakatawan sa 75% na kita nito sa taong 2023.
Mas mataas sa karaniwang 50% remittance alinsunod sa naging hiling ni Finance Secretary Ralph Recto na advance ang 25 percent upang pondonhan ang government expenditures ngayong taon.
Ayon naman kay PAGCOR Chairperon and Chief Executive Alejandro Tengco, ang mataas na dibidendo ay mula sa gaming operations na umaabot sa P79.37 bilyong gross revenues at P6.13 bilyon na net earnings noong 2023. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: PAGCOR