Magpapatupad ng system maintenance ang China Bank simula bukas, March 8 hangang March 10 sa ilang mga serbsiyo nito.
Kabilang sa mga serbisyo ng China Bank ang masususpinde sa mga nabanggit na araw ay ang ATM at cash cards withdrawal, Retail and Corporate Retail Banking, mobile internet banking at bank transfer sa ibang mga bangko.
Simula bukas ng alas-10 ng gabi inaasahang mawawalan na ang mga nabanggit na serbisyo ng naturang bangko.
Ayon sa China Bank ang naturang system maintenance ay para sa system upgrade ng kanilang bangko.
Pinayuhan naman ng China Bank ang kanilang mga depositor na ayusin na agad ang kanilang bank transactions upang makaiwas sa anumang pagkaantala ng kanilang mga transaksyon | ulat ni AJ Ignacio