Walang karapatan ang China na i-veto ang panukalang Philippine Maritime Zone law o ang panukalang nagdedeklara ng hangganan ng teritoryong sakop ng Pilipinas, kasama ang mga karagatang sakop ng bansa.
Tugon ito ni Senator Francis Tolentino sa pahayag ni Chinese Foreign inistry Spokesperson Mao Ning.
Giit ng senador, bilang isang malayang bansa ay karapatan nating bumalangkas ng batas sang ayon sa international law at sa arbitral ruling.
Una nang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 2492 at mayroon na ring bersyon nito ang Kamara.
Sa ngayon ay inaantabayanan pa ang magiging bicameral conference committee meeting patungkol sa panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion