Itinaas simula ngayong araw hanggang sa ika-31 ng Marso ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert para sa lahat ng ospital sa bansa bilang bahagi ng paghahanda ng ahensya sa panahon ng Semana Santa.
Layunin ng pagtaas ng alerto sa Code White na siguruhin ang agarang tugon sa anumang potensyal na mga emergency sa panahon ngayon Holy Week.
Sa ilalim din ng Code White Alert, may mga identified medical personnel din at staff ang naka-standby sa mga ospital na handa para sa agarang pag-agapay at gumamot para sa mga pasyente.
Nagbigay payo din ang DOH sa publiko na manatiling ligtas sa panahon ngayon sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig, pag-iwas sa mahabang pagbibilad sa init ng araw, at paggiging maingat laban sa mga bagong sakit lalo na ngayong tag-init.
Pinayuhan din ng kagawaran na laging bantayan ang mga bata na mag-i-swimming at lalahok sa ibang water activies na bantayan para makaiwas sa sakuna.
Pinaabot naman ni DOH Secretary Teddy Herbosa sa mga Pilipino ang pakikiisa nito sa Holy Week 2024 kasabay ang panalangin para sa isang ligtas at malusog na bansa.
Karaniwang idinedeklara ang Code White Alert tuwing may mga national event sa bansa, holidays tulad ng Holy Week, at mga selebrasyon na maaaring magresulta sa mass casualty incidents o emergencies.| ulat ni Rey Ferrer