Personal na nagtungo sa South Cotabato ang mga opisyal ng Commission on Elections para plantsahin ang mga paghahanda sa gagawing plebisito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bukod sa mga opisyal ng Comelec, dumating rin ang mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para tiyakin ang seguridad sa gagawing plebisito.
Ang nasabing plebisito ay gagawin sa Abril 13.
Ito ay para sa pagbuo ng 8 bagong munisipalidad sa BARMM mula sa 63 barangay na sakop ng tinatawag na special geographic area.
Lahat ng barangay na ito ay galing sa North Cotabato at bumoto upang maging bahagi na sila ng BARMM.
Pagkatapos ng plebisito, ang mga nasabing bayan ay tatawagin ng munisipalidad ng PAHAMUDDIN, KADAYANGAN, NABALAWAG, OLD KAABAKAN, KAPALAWAN, MALIDEGAO, TUGUNAN AT LIGAWASAN.
Ang inaasahang lalahok na botante rito ay 89,594. | ulat ni Michael Rogas