Nabigyan ng pagkakataon ang Persons Deprived of Liberty (PDL) na matuto ng Basic Electrical Installation and Maintenance, at Basic Wellness Massage sa Community-Based Skills Training Project ng Pangasinan PESO sa Provincial Jail, Lingayen.
Ang Community-Based Skill Training Project ay isang skills and livelihood assistance project na bahagi ng Employability Enhancement Program ng Pangasinan Provincial Government, sa pangunguna ng Pangasinan PESO, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa tulong ng Pangasinan Provincial Jail.
Humigit kumulang 50 katao ang nakapagtapos sa inihandog na training sa Basic Wellness Massage at Basic Electrical Installation and Maintenance.
Binigyan ng skills training ang mga PDL, upang magkaroon sila ng practical abilities at kaalaman sa pagkakataon na tumaas ang kanilang pagkatanggap sa trabaho, mapadali ang rehabilitasyon, at ang pagbalik nila sa lipunan, at mabawasan ang pagkakataon na bumalik sa loob ng selda. | ulat ni Grace Acuar, Radyo Pilipinas Tayug
Photos: PESO Pangasinan