Nagbigay ng iba’t ibang tool kits si 1st District Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos sa mga nagtapos ng iba’t ibang skills training ng Technical Education Skills Development Authority ( TESDA) sa Lungsod ng Laoag.
Umabot sa 820 benepisyaryo ang tumanggap sa mga nasabing tool kits na nagtapos ng training at nakapasa ng NC-II tulad ng Driving, Service Motorcycle/ Small Engine System, Cookery, Electrical, Tile Setting at iba pa.
Sinabi ni Congressman Marcos na patuloy na ipagkakaloob nito ang mga pangangailangan ng mga nagtapos ng TESDA training upang magkaroon sila ng kakailanganin sa pagsisimula ng kanilang hanapbuhay.
Nagkakahalaga ang mga ibinigay na tool kits ng P2,600,000. | ulat ni Ronald Valdriz | RP Laoag