Abiso sa mga may transaksyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) partikular na sa Iloilo.
Sarado at walang operasyon ang Consular Office ng ahensya sa Marso 18, araw ng Lunes sa Robinsons Place Iloilo.
Sa anunsyo ng DFA, ito’y kaugnay ng Proclamation No. 430 na nagdedeklara ng non-working holiday sa Iloilo.
Ito’y para bigyang daan ang paggunita sa liberation ng Panay at Romblon kabilang ang siyudad ng Iloilo at Roxas. | ulat ni AJ Ignacio