Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bumisita sa Pilipinas, upang maranasan ang magagandang tourist destination sa bansa maging ang Filipino hospitality.
Sa bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, ibinalita ni Pangulong Marcos na ang regional airports sa bansa ay ina-upgrade ng pamahalaan upang makasabay sa international airports ang mga ito.
Sabi ng Pangulo, ang inisyatibong ito ay madali lamang isulong lalo’t maraming Filipino workers sa Czech.
“That will immediately make a very different than we are preparing for that…Hopefully, we will see more of your citizens coming to the Philippines. And I can see that this is an area that will continue to increase for us. It’s very happy to welcome friends, come, visit the Philippines,” —Pangulong Marcos.
Pagbibigay diin ng Pangulo, ipinagmamalaki ng bansa ang Filipino hospitality at ang ganda ng Pilipinas.
“We take pride in the Filipino hospitality, and we take pride in our beautiful country, as in, of course, you do. But that’s why I think that this is a third time, an area of third time development.” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, napapanahon rin aniya ang talakayan nila sa people-to-people exchanges lalo’t ikinukonsidera ng bansa ang tourism sector bilang mahalagang bahagi ng pagpapayabong ng ekonomiya.
Bukod sa enhanced people-to-people exchanges, hinikayat rin ni Pangulong Marcos ang Czech companies na makibahagi sa Philippine infrastructure development.
Lalo na sa constructions ng gateways ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ilan pa sa mga areas of cooperation na pinag-uusapan ay sa pagitan ng unibersidad ng dalawang bansa.
“This effort, he noted, is something that is absolutely necessary because of the big changes in the global economy and to enable the Philippine economy compete on a global level.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan