Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-aangkat ng domestic at wild birds mula sa Iowa at Minnesota sa Estados Unidos.
Ipinataw ang ban noong nakalipas na taon dahil sa outbreak ng avian influenza sa dalawang U.S States.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magiging epektibo kaagad ang pag-alis ng ban sa importasyon ng mga buhay na manok, mga produkto nito at by-products kabilang ang day-old chicks at hatching eggs.
Ang desisyon ni Laurel ay base sa official report ng US veterinary authorities sa World Organization of Animal Health na ligtas na sa highly pathogenic avian influenza cases ang dalawang US Sates mula pa noong Enero 10, 2024.
Ang Estados Unidos ay pangunahing source ng poultry products ng Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer