Dalawang illegal recruiters, sumuko sa MPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumuko sa Manila Police District Station 9 sa Malate ang dalawang babaeng illegal recruiters matapos na mapag-alaman ang warrant of arrest laban sa kanila.

Kinilala ang mga suspek na sina Kate Roa at Shaena Presco na mahaharap sa kasong large scale at syndicated recruitment na may parusang habang buhay na pagkakabilanggo.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW)-Anti Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program, nag-ugat ang kaso mula sa reklamo ng tatlong marinong aplikante ng Coreship Maritime Management Company na inalok ng trabaho sa isang international cruise ship patungong Netherlands na may buwanang sahod umano na ₱100,000.

Ito naman ay kapalit ng pagbabayad ng ₱75,000 para asikasuhin ang kanilang mga dokumento paalis ng Pilipinas.

Umabot na sa ₱225,000 ang naibayad ng mga biktima ngunit hindi natupad ang pangakong mapaalis para magtrabagho.

Dahil dito, dumulog ang tatlong biktima sa DMW at napag-alaman na hindi lisensyado ang mga akusado ang kanilang ahensya para mag-deploy ng mga Pilipino sa abroad.

Samantala, kasalukuyang pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang suspek na kasamahan din ng dalawang sumuko na kinilalang si Manny Solis.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us