Maluwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) kaninang umaga.
Sa inilabas na abiso ng NLEX-SCTEX kaninang alas-8 ng umaga, light traffic ang umiiral sa Balintawak Toll Plaza, Bocaue Toll Plaza at San Fernando Northbound at Southbound.
May maikling pila naman ng mga sasakyan sa Mindanao Toll Plaza.
Maluwag din ang trapiko sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at interchanges.
Una nang nag-abiso ang NLEX sa posibleng pagbigat sa trapiko sa expressway mula alas-10 ng umaga ng March 27 hanggang alas-2 ng hapon ng March 28.
Mataas na volume din ng trapiko ang aasahan para sa manila-bound motorists mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi ng March 30 at mula alas-2 ng hapon ng March 31 hanggang alas-8 ng umaga ng April 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa