Pinagkalooban ng financial assistance at scholarship funds ang mga dating overseas Filipino workers (OFWs) at mga anak ng active OFWs mula sa CARAGA region.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, ang bigay na benepisyo ay mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na attached agency ng DMW.
Kabuuang 30 dating OFWs ang nakatanggap ng tig ₱20,000 sa ilalim ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program ng OWWA.
Inaasahang makatutulong ang bigay na tulong pinansyal para sa kanilang kabuhayan at pagtatayo ng maliit na negosyo.
Samantala, tinanggap naman ng 48 anak ng OFWs ang kanilang annual financial support bilang scholars ng OWWA.
Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng tig-₱10,000 habang ang dalawang iba pa ay tumanggap ng tig-₱30,000. | ulat ni Rey Ferrer