Kinumpirma ni Senadora Imee Marcos na dinala na nila sa ospital ngayong araw si dating First Lady Imelda Marcos dahil sa pabalik-balik na lagnat at ubo.
Sa text message mula kay Senadora Imee, isinugod na nila sa ospital ang dating First Lady para sa close monitoring lalo na sa edad nito ngayong 94 years old.
Ayon kay Senator Imee, hinihinalang pneumonia ang sakit ng kanyang ina.
Nananalangin ngayon si Senadora Imee na gumaling na agad ang kanyang ina.
Nagsasagawa aniya ang kanilanag pamilya ng ibayong pag iingat sa kalusugan ni dating First Lady Imelda para na rin makatanggap pa ito ng kanyang centenarian benefit base na rin sa bagong pirmang expanded centenarian act.
Sa Hulyo ay magdiriwang ng kanyang 95th birthday si dating First Lady Imelda. | ulat ni Nimfa Asuncion