Nanindigan ang mga kongresista na walang puwang sa lipunan ang anomang pagbabanta ng karahasan laban sa mga kababaihan.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Deputy Speaker David Suarez na dapat lang na humingi ng public apology si dating Biliran Representative Glenn Chong dahil sa banta ng pananakit kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa isang talumpati sa ginawang prayer rally ng SMNI.
“Without a doubt! He should, I mean the words that he uttered against our First Lady are totally uncalled for. He should, so I don’t only demand it, but I think out of common courtesy and basic human nature, I think he should. He may have his misgivings, he may feel bad about certain things in life, but to say that on TV, I think it’s totally uncalled for and he should,” sabi ni Suarez.
Sabi naman ni Malasakit@Bayanihan Party-list Representative Anthony Golez, pabiro man o hindi, ay hindi sinasampal ang mga kababaihan.
Paalala pa nito na may istriktong batas ang bansa laban sa karahasan.
“I think hindi po sinasampal ang mga babae even in rhetoric or even in jokes, as a matter of fact, istrikto nga tayo diyan because meron tayong batas laban sa karahasan against women and children. Hindi po sila sinasampal minamahal po sila,” giit ni Golez.
Hindi naman naitago ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang kaniyang pagkadismaya sa aniya’y misogynistic statement ni Chong.
Sinabi pa nito na lahat tayo ay dapat mag-demand ng public apology mula kay Chong dahil hindi, aniya, katanggap-tanggap ang paggamit sa dahas para sa political rhetoric.
“I may not be in opposition to demand an apology kasi hindi naman ako yung alluded dito. But I think on behalf of all the women that we love, I think all of us should demand an apology from this person. Because never should it be acceptable in furtherance of political rhetoric to allude to violence against women. Lahat naman tayo may nanay, we have sisters, some of us have daughters. The question is, sa ngayon ang lipunan po natin, acceptable na po ba ang ganitong pananalita? Is that what we have come down to? I don’t think so, we take a stand and I think that we as a people should demand accountability for statements such this,” diin ni Gutierrez.
Kapwa rin kinondena nina Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers at Surigao del Sur 2nd District Representative Johnny Pimentel ang ginawa ni Chong.
Ani Barbers, nakalulungkot na nataon pa ito ngayong Women’s Month.
“That is conduct unbecoming of a gentleman…Women’s Month pa naman,” sabi ni Barbers.
“I saw the video clip and I denounce his disrespect to the First Lady. We demand a public apology for Chong,” saad ni Pimentel.
Sa naunang pahayag sinabi naman ni Iloilo Representative Janette Garin na ibinababa lamang ng mga ganitong pahayag ang dignidad ng mga kababaihan na hindi magandang ehemplo sa mga kabataan.
“…Siguro kung mayroon siyang mga emosyon na nakikimkim diyan pero kung sinasalita at sinasabi yan in public, medyo pangit talaga tingnan bilang isang lalaki, Women’s Month pa naman ngayon… There are many ways to express your anger kung meron kang galit, pero pag sinabi mo kasing mag sampalan, pabalik-balik ng sampalan, yung pinapakita mong demeanor sa mga kabataang Pilipino ay hindi maganda… kung ang mga usapan parang sampalan it brings down the dignity of women whether it’s the First Lady or not babae yun eh. So medyo hindi lang nga talaga maganda tingnan sa publiko,” sabi naman ni Garin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes