Kabilang sina dating Sen. Gringo Honasan at dating Finance Sec. Margarito Teves sa mga resource person na nagpahayag ng pagsuporta sa panukalang pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas sa mga dayuhan mamumuhunan.
Dumalo ang dalawang dating opiysal sa huling araw ng pagtalakay ng Committee of the Whole House sa Resolution of Both Houses No. 7.
Para kay Honasan, panahon nang baguhin ang ating Saligang Batas at hinimok ang mga Pilipino na huwak matakot sa pagbabago.
Punto pa ng dating senador na ang pag-alis sa mahigpit na probisyon ng Saligang Batas ukol sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ay makatutulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Kailangan kasi aniya na ang ating Saligang Batas ay makasabay sa mabilis na pagbabago usaping geo-political, ekonomiya at teknolohiya.
Sabi pa ni Honasan na ang economic amendments kasabay ng reporma sa mga polisiya ay magtutulak sa Pilipinas para makasabay sa mga karatig bansa sa pag-hikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.
“Kung mananatili tayong sarado (sa foreign investors), kawawa ang Pilipino,” diin ni Honasan.
Sa panig naman ni Teves, tinukoy nito ang limitasyon sa Konsitusyon bilang sagabal sa mga mamumuhunan bagay na wala naman sa batayang batas ng ibang bansa sa ASEAN gaya ng Singapore at Malaysia.
“As of 2022, Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Thailand have already surpassed us in terms of foreign direct investments,” sabi niya.
Kaailangan aniya na ayusin ng Pilipinas ang legal framework nito para makasabay sa mga karating bansa sa ASEAN at makipag kompetensya sa panghihikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.| ulat ni Kathleen Forbes