Kasunod ng issue sa pagtatayo ng pool resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol, binigyang diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Tourism (DOT) ang kalahagahan ng responsible development sa mga lugar na deklaradong protected areas.
Sa isang pahayag, sinabi ng tatlong ahensya na dapat magkaroon ng balanse sa usapin ng ekonomiya, kabuhayan, at pag-iingat sa kalikasan.
Mahalaga anila ang pag-iingat sa ating mga likas na yaman, na makatutulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at para sa mga susunod na henerasyon.
Binigyang diin din ng DENR, DILG, at DOT ang kanilang layunin na maprotektahan ang ating kalikasan at mga likas na yaman.
Maabot lamang ito sa tulong ng pagtukoy ng mga polisiya at komprehensibong pagtugon ng lokal na pamahal at ng pamahalaan nasyonal.
Kabilang anila rito ang pagpapalakas ng mga regulations, monitoring, land use classification, ang pagpapatupad ng mga evidence-informed environmental protection na naayosn sa global environmental standards, habang ikinokonsidera rin ang kabuhayan at trabaho sa mga komunidad.
Nangako ang naman ang tatlong ahensya na magtutulungan upang maabot ang sustainable na hinaharapa para sa lahat. | ulat ni | via Diane Lear Lear