Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan at sa publiko kaugnay sa mga individual na nagpapanggap na sila ay mga tauhan ng Office of the Vice President, Bise Presidente, at DepEd Secretary.
Ito ay para umano magsagawa ng monitoring activities sa mga school building project ng pamahalaan.
Ayon sa abiso ng DepEd, ang mga naturang indibidwal walang kaugnayan sa OVP o sa anumang programa ng ahensya, partikular na sa School Building Program.
Paliwanag ng DepEd, ang pag-inspeksyon sa mga school building project ay dapat ipinagbibigay alam sa School Infrastructure and Facilities (SIF) Strand kaya walang mga indibidwal, contractor, organisasyon, pati na mga ahensya ng pamahalaan ang binibigyan ng permiso na magsagawa ng monitoring activities.
Nanawagan naman ang DepEd na i-report ang ganitong mga indibidwal sa kanilang tanggapan para matukoy ang tunay na pagkakakilanlan.| ulat ni Diane Lear