Pinawi ni Deputy Speaker, 2nd District of Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez ang mga pangamba at takot sa liberalisasyon sa sistema ng edukasyon.
Ayon kasi sa ilan, makakabawas umano sa pagiging makabayan at pagmamahal sa sariling bayan ang panukala.
Ayon kay Suarez, walang batayan ang naturang alalahanin Ialo na sa mga panukalang amyenda sa mga probisyon ng edukasyon sa 1987 Konstitusyon.
Sinabi ni Suarez na ang status quo, na hindi pinahihintulutan ang mga Pilipino na maka-access sa mas mabuting edukasyon ay tila pinagdadamutan ang buong bansa ng pagkakataon para sa mas masaganang buhay at maayos na trabaho.
Sa ginawang pagdinig ng Committee of the Whole sa Resolution of Both Houses no. 7, inamin ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Omar Alexander Romero na umiiral ang puwang sa basic education, at nahuhuli rin ang bansa sa mga kalapit-bansa sa ASEAN.
Inihayag rin ni Romero ang pag-aalala ng DepEd, na ang probisyong ‘control and administration’ ay tatanggalin sa Pilipinas kapag ang panukalang reporma ay naaprubahan.
Sinabi ni Suarez, na ang mga anti-nationalistic at unpatriotic na pananaw ay pag iwas sa bawat global opportunities na available sana para sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes