Ikinalugod ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang naging desisyon ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na hindi na patawan pa ng anumang pareusa ang gurong nagviral sa paninigaw ng kanyang mga estudyante.
Ayon kay TDC Chair Benjo Basa, nagpapakita ito ng pang-unawa ng Deped leadership sa guro.
Umaasa naman ang grupo na maging sapat na ang pahayag na ito ni VP Sara at sundin ito ng DepEd Regional Office na nakakasakop sa eskwelahan ng guro.
Hangad din nitong magresulta ito sa isang kongkretong polisiya na maaaring gawing batayan sakali mang maulit ang ganitong mga insidente.
“Well, at least we heard an assurance from VP Sara that the teacher will not be punished, and this statement should suffice for the DepEd Regional Office to adhere to. However, we anticipate that this assurance will be formalized into a policy to ensure its application beyond this specific case,” TDC National Chairperson Benjo Basas.
Una na ring hiniling ng TDC ang pagrepaso sa DepEd Child Protection Policy at pagamyenda sa Republic Act 7610 na makakatiyak sa proteksyon ng mga estudyante pati na ng kanilang mga guro. | ulat ni Merry Ann Bastasa