DFA: China, walang karapatan sa Ayungin Shoal dahil nakapaloob ito sa EEZ ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling igniit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang karapatan ang bansang China sa ating teritoryo sa Ayungin Shoal, dahil ito ay malinaw na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng ating bansa.

Ito ang naging pahayag ni DFA Spokesperson Tersita Daza, dahil sa muling ginawang pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard nitong Sabado, matapos bombahin muli ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal.

Dagdag pa ni Daza, na malinaw na malinaw ang naging desisyon ng UNCLOS na malayo na sa kanilang teritoryo ang naturang pinag-aagawang teritoryo sa Pilipinas, at mas malapit di hamak ito sa Pilipinas

Kaugnay nito, muling inatasan ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing na magpadala ng demarche sa Chinese Foreign Minister sa naturang bansa.

Sa huli muling iginiit ng DFA, na hindi sila titigil na magpadala ng note verbale sa China dahil ito ay pagpapakita na ating ipagtatanggol ang sovereign rights ng Pilipinas. | ulat ni Aj Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us