Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng dalawang Pilipinong namatay sa isang missile attack ng Houthi rebels sa Yemen.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na nakahanda na ang ating pamahalaan sa pagpapaabot ng tulong mula sa pamilya ng dalawang marino na nasawi sa missile attack.
Dagdag pa ng DFA, na nasa kamay na ng Indian Navy ang 13 Pilipino na nakaligtas kasama ang tatlong Pilipinong sugatan sa naturang pag atake.
Kaugnay nito, kasalukuyan nang dinadala sa Djibouti ang mga Pilipinong marinong nakaligtas upang doon sunduin ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt upang magbigay ng paunang tulong, at pag aayos ng mga papeles nito pabalik ng ating bansa.
Sa huli, nangako naman ang DFA na agarang isusulong ang maayos na diplomasya upang hindi na maulit ang anumang ganitong kalse ng atake. | ulat ni AJ Ignacio